Levitico 18:24
Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:6Walang sinuman ang dapat na sumiping sa malapit na kamag-anak niya. Ako si Yahweh.
Leviticus 20:22Kaya dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga batas at lahat ng aking mga utos; dapat ninyong sundin ang mga ito sa gayon hindi kayo isusuka ng lupain kung saan ko kayo dadalhin para manirahan.
Deuteronomy 9:5Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.
Deuteronomy 18:12Dahil ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh; dahil sa mga kasuklam-suklam na bagay na ito palalayasin sila ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan.
Judges 20:6Kinuha ko ang aking isa pang asawa at pinagpira-piraso ang kaniyang katawan, at ipinadala ang mga ito sa bawat rehiyon na ipinamana sa Israel, dahil nakagawa sila ng kasamaan at kalapastanganan sa Israel.
2 Chronicles 33:2Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga tao na pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.