Judges 6:21
Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay iniabot ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay. Sa pamamagitan nito dinampian ang laman at ang tinapay na walang lebadura; lumabas ang isang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang lebadura. Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay umalis palayo at hindi na siya makita ni Gideon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 9:24Lumabas ang apoy mula kay Yahweh at tinupok ang handog na susunugin at ang taba sa altar. Nang makita ito ng lahat ng mga tao, sumigaw sila at nagpatirapa.
1 Kings 18:38Pagkatapos kaagad ang apoy ni Yahweh ay bumaba, at tinupok ang handog na susunugin, maging ang kahoy, ang mga bato, at ang lupa, at tinuyo ang tubig na nasa kanal.
2 Chronicles 7:1Ngayon pagkatapos manalangin ni Solomon, bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon ang mga handog na susunugin at ang mga Alay, at pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan.