Mga Hukom 6:34
Pero binalot si Gideon ng Espiritu ni Yahweh. Hinipan ni Gideon ang isang trumpeta, tinawag ang angkan ng Abiezrita, para sila ay maaaring sumunod sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 17:2Ang lupain itinalaga sa natirang lipi ni Manases, ibinigay sa kanilang mga angkan—Abiezer, Helek, Asriel, Secem, Heper, at Semida. Ito ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Manases anak na lalaki ni Jose, iniharap sa kanilang mga angkan.
Judges 3:27Nang dumating siya, hinipan niya ang isang trumpeta sa mga burol ng Efraim. Pagkatapos bumaba ang bayan ng Israel kasama niya mula sa mga burol, at sila'y pinamumunuan niya.
Judges 8:2Sinabi niya sa kanila, “Ano ba ang aking ginawa ngayon na maihahambing na ikukumpara sa inyo? Hindi ba na ang tinipong mga ubas ng Efraim ay mas mabuti sa inaning ubas ni Abiezer?
Judges 14:19Pagkatapos biglang pumaloob ang Espiritu ni Yahweh kay Samson na may kapangyarihan. Bumaba si Samson sa Ashkelon at pinatay niya ang tatlumpung lalaki na kabilang sa mga tao roon. Sapilitang niyang kinuha ang kanilang mga gamit, at ibinigay niya ang mga hanay ng kasuotan sa mga nakasagot sa kaniyang bugtong. Matindi ang kaniyang galit at umuwi siya sa bahay ng kaniyang ama.
1 Samuel 10:6Agad na darating sa iyo ang Espiritu ni Yahweh at huhula ka kasama nila, at mababago ka sa isang kakaibang lalaki.
1 Samuel 16:14Ngayon ang Espiritu ni Yahweh ay umalis na kay Saul, at sa halip isang masamang espiritu na mula kay Yahweh ang bumagabag sa kanya.