Mga Hukom 3:27
Nang dumating siya, hinipan niya ang isang trumpeta sa mga burol ng Efraim. Pagkatapos bumaba ang bayan ng Israel kasama niya mula sa mga burol, at sila'y pinamumunuan niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 17:18Magiging inyo rin ang maburol na lupaing ito. Kahit na kagubatan ito, lilinisin ninyo ito at aangkinin ito hanggang sa pinakamalayong hangganan nito. Palalayasin ninyo ang mga Cananaeo, kahit sila ay may mga karwaheng bakal at kahit na malakas sila.”
Judges 6:34Pero binalot si Gideon ng Espiritu ni Yahweh. Hinipan ni Gideon ang isang trumpeta, tinawag ang angkan ng Abiezrita, para sila ay maaaring sumunod sa kaniya.
Judges 10:1Matapos kay Abimelec, si Tola na anak na lalaki ni Pua na anak ni Dodo, isang tao na mula kay Issacar na nakatira sa Samir, sa burol ng Efraim, ay tumayo para iligtas ang Israel.
Judges 19:1Sa mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, mayroong isang lalaki, isang Levita, na pansamantalang naninirahan sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim. Kumuha siya ng isang babae para sa kaniyang sarili, isa pang asawa mula sa Bethlehem sa Juda.
2 Samuel 20:22Pagkatapos pumunta ang babae sa lahat ng tao sa kaniyang karunungan. Pinutol nila ang ulo ni Seba anak na lalaki ni Bicri, at itinapon ito palabas kay Joab. Pagkatapos hinipan niya ang trumpeta at nilisan ng mga tauhan ni Joab ang lungsod, bawat lalaki sa kaniyang tahanan. At bumalik si Joab sa Jerusalem sa hari.
Nehemiah 4:14Tumingin ako at tumayo, at sinabi sa mga maharlika, at sa mga namumuno, at sa natitirang ibang mga tao, “Huwag kayong matatakot sa kanila. Alalahanin ninyo ang Panginoon, na dakila at kahanga-hanga. Ipaglaban ninyo ang inyong mga pamilya, ang inyong mga anak na lalaki at babae, ang inyong mga asawa, at ang inyong mga tahanan.