Mga Hukom 8:10
Ngayon sina Zeba at Zalmuna ay nasa Karkor, kasama nila ang kanilang mga hukbo, mga labinlimang libong kalalakihan, lahat ng mga nanatili mula sa buong hukbo ng mga tao ng silangan. Dahil doon 120, 000 ang bumagsak na kalalakihan na sinanay para lumaban gamit ang espada.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 7:12Nanatili sa tabi ng lambak ang mga Midianita, ang mga Amalekita at lahat ng tao ng silangan, singkapal ng ulap ng mga balang. Higit pa sa kayang bilangin ang kanilang mga kamelyo; higit na marami ang bilang nila kaysa sa mga butil ng buhangin sa baybayin.
Judges 7:22Nang hinipan nila ang tatlong daang mga trumpeta, itinakda ni Yahweh ang espada ng bawat Midianita laban sa kaniyang kasama at laban sa lahat ng kanilang mga hukbo. Tumakbo palayo ang hukbo hanggang sa layo ng Beth Sita patungong Zerera, kasing layo ng hangganan ng Abel Meholah na malapit sa Tabata.
Judges 20:15Sama-samang dinala ang mga tao ni Benjamin mula sa kanilang mga lungsod para lumaban sa araw na iyon na 26, 000 sundalo ang tinuruang lumaban gamit ang espada; karagdagan sa bilang na iyon ay pitong daan ng kanilang piniling kalalakihan na mula sa mga naninirahan ng Gibea.
Judges 20:25Sa panagalawang araw, lumabas ang Benjamin laban sa kanila mula Gibea at pinatay nila ang18, 000 kalalakihan mula sa bayan ng Israel. Lahat ay kalalakihan na tinuruang lumaban gamit ang espada.
Judges 20:46Ang lahat ng mga sundalo ng Benjamin na pinatumba sa araw na iyon ay 25, 000—kalalakihan na tinuruan para lumaban gamit ang espada; lahat sila ay tanyag sa labanan.
2 Chronicles 13:17Pinatay sila ni Abias at ng kaniyang hukbo; 500, 000 na piling lalaki ng Israel ang namatay.