Mga Hukom 7:12
Nanatili sa tabi ng lambak ang mga Midianita, ang mga Amalekita at lahat ng tao ng silangan, singkapal ng ulap ng mga balang. Higit pa sa kayang bilangin ang kanilang mga kamelyo; higit na marami ang bilang nila kaysa sa mga butil ng buhangin sa baybayin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:3Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita.
Judges 6:33Ngayon ang lahat ng mga Midianita, ang mga Amalekita, at ang mga tao sa silangan ay nagtipon ng magkakasama. Tumawid sila ng Jordan at nag-kampo sa lambak ng Jezreel.
1 Samuel 13:5Nagtipon ng magkakasama ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel: tatlong libong karo, anim na libong kalalakihan upang patakbuhin ang mga karo, at mga hukbo na kasindami ng buhangin sa baybayin. Dumating sila at nagkampo sa Micmas, silangan ng Beth-aven.
1 Kings 20:27Ang bayan ng Israel ay nag-kampo sa harapan nila gaya ng dalawang kawan ng kambing, pero ang kabukiran ay napuno ng mga Aramean.
Psalms 3:1Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway! Marami ang tumalikod at nilusob ako.
Psalms 118:10Nakapalibot sakin ang buong bansa; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila.