Judges 8:3
Ibinigay ng Diyos sa inyo ang tagumpay laban sa mga prinsipe ng Midian—Oreb at Zeeb! Ano ba ang aking napagtagumpayan na maikukupara sa inyo?” Ang kanilang galit laban sa kaniya ay humupa sa sinabi niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 7:25Nabihag nila ang dalawang prinsipe ng Midian, sina Oreb at Zeeb. Pinatay nila si Oreb sa bato ng Oreb, at pinatay nila si Zeeb sa pigaan ng ubas ng Zeeb. Hinabol nila ang mga Midianita at dinala nila ang mga ulo nina Oreb at Zeeb kay Gideon, na nasa kabilang ibayo ng Jordan.
Psalms 115:1Huwag sa amin, O Yahweh, huwag sa amin, pero sa iyong pangalan maibigay ang karangalan, dahil sa iyong katapatan sa tipan.
Proverbs 15:1Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.
Proverbs 25:11Ang pagsasabi ng salitang napili ng mabuti, ay katulad ng mga disenyo ng ginto na nakalagay sa pilak.
John 4:37Dahil dito totoo ang kasabihan 'Isa ang nagtatanim, at iba ang nag-aani.'
Romans 12:6Mayroon tayong iba't ibang kaloob ayon sa biyayang ibinigay sa atin. Kung ang kaloob ng isa ay paghahayag ng propesiya, gawin niya ito ayon sa sukat ng kaniyang pananampalataya.