Romans 12:6
Mayroon tayong iba't ibang kaloob ayon sa biyayang ibinigay sa atin. Kung ang kaloob ng isa ay paghahayag ng propesiya, gawin niya ito ayon sa sukat ng kaniyang pananampalataya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 23:34Kaya, tingnan ninyo, magsusugo ako ng mga propeta, mga pantas, at mga eskriba. Ang iba sa kanila ay papatayin ninyo at ipapako sa krus. At yung iba sa kanila hahagupitin ninyo sa mga sinagoga ninyo at hahabulin ninyo sila saang lungsod man sila.
Luke 11:49Sa kadahilanan ding ito, sinabi ng karunungan ng Diyos, 'Ako ay magpapadala sa kanila ng mga propeta at mga apostol, at uusigin nila at papatayin ang iba sa kanila.'
Acts 11:27Ngayon sa mga araw na ito ilang mga propeta ang bumaba mula Jerusalem papuntang Antioquia.
Acts 15:32Si Judas at Silas na mga propeta rin, ay pinatatag ang loob ng mga kapatiran sa marami nilang mga salita na nakapagpatibay sa kanila.
Acts 21:9Ngayon ang taong ito ay may apat na anak na babaeng birhen na nagpapahayag ng propesiya.
Romans 12:3Sapagkat, dahil sa biyayang ibinigay sa akin, sinasabi ko na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip na mas mataas ang inyong sarili kaysa sa nararapat ninyong isipin. Sa halip, dapat kayong mag-isip ng may karunungan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.