Mga Hukom 9:18
pero sa araw na ito nag-alsa kayo laban sa bahay ng aking ama at pinatay ang kaniyang mga anak na lalaki, pitumpung tao, sa ibabaw ng isang bato. At ginawa ninyo si Abimelec ang lalaking anak ng kaniyang babaeng lingkod, na hari sa lahat ng mga pinuno ng Shekem, dahil kamag-anak ninyo siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 8:30Naging ama si Gideon ng pitumpung anak na lalaki, dahil nagkaroon siya ng maraming asawa.
Judges 9:5Pumunta siya sa bahay ng kaniyang ama sa Ofra at sa isang bato pinatay niya ang pitumpung kapatid niyang lalaki, mga anak na lalaki ni Jerub Baal. Tanging si Jotam ang naiwan, ang pinakabatang anak na lalaki ni Jerub Baal, dahil itinago niya ang kaniyang sarili.
Psalms 109:4Kapalit ng pag-ibig ko ay ang paninirang-puri nila, pero ipinapanalangin ko sila.