Mga Hukom 9:53
Pero isang babae ang naghulog ng batong pang-giling sa ulo ni Abimelec at nabiyak nito ang kaniyang bungo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And a certain woman cast a piece of a millstone upon Abimelech’s head, and all to brake his skull.
In Context
Cross References
Judges 4:9Sinabi niya, “Talagang sasama ako sa iyo. Gayunman, ang landas na dadaanan mo ay hindi maghahatid sa iyong karangalan, dahil gagawin ni Yahweh na talunin si Sisera ng isang babae sa pamamagitan ng kaniyang lakas.” Pagkatapos tumayo si Debora at sumama kay Barak sa Kedes.
Judges 9:20Pero kung hindi, hayaan na lumabas ang apoy mula kay Abimelec at sunugin ang mga kalalakihan ng Shekem at bahay ng Millo. Hayaang lumabas ang apoy mula sa mga kalalakihan ng Shekem at Bet Millo, para sumunod kay Abimelec.”
2 Samuel 20:21Hindi iyan totoo. Pero isang lalaki mula sa burulang bansa ng Efraim, na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, itinaas niya ang kaniyang kamay laban sa hari, laban kay David. Ibigay ninyo siyang mag-isa, at aalis ako mula sa lungsod.” Sinabi ng babae kay Joab, “Itatapon ang kaniyang ulo sa iyo sa ibabaw ng pader.”
Jeremiah 49:20“Kaya makinig kayo sa mga balak na ipinasya ni Yahweh laban sa Edom, ang mga balak na kaniyang binuo laban sa mga naninirahan sa Teman. Tiyak na kakaladkarin sila palayo, kahit na ang pinakamaliit na kawan. Magiging wasak na lugar ang kanilang mga lupang pastulan.