Judges 4:9
Sinabi niya, “Talagang sasama ako sa iyo. Gayunman, ang landas na dadaanan mo ay hindi maghahatid sa iyong karangalan, dahil gagawin ni Yahweh na talunin si Sisera ng isang babae sa pamamagitan ng kaniyang lakas.” Pagkatapos tumayo si Debora at sumama kay Barak sa Kedes.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 4:17Pero tumakbo palayo si Sisera patungo sa tolda ni Jael, na asawa ni Heber na Kenita, dahil mayroong kapayapaan sa pagitan ni Jabin na hari ng Hazor at ng sambahayan ni Heber na Kenita.
Judges 9:53Pero isang babae ang naghulog ng batong pang-giling sa ulo ni Abimelec at nabiyak nito ang kaniyang bungo.
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
2 Chronicles 26:18Pinigilan nila si haring Uzias at sinabi sa kaniya, “Hindi ito para sa iyo, Uzias, na magsunog ng insenso para kay Yahweh, kundi para sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na siyang itinalaga kay Yahweh na magsunog ng insenso. Lumabas ka sa banal na lugar, sapagkat sumuway ka. Dahil dito, wala kang magiging karangalan mula kay Yahweh na Diyos.”