Lamentations 1:13
Nagpadala siya ng apoy mula sa itaas sa aking mga buto, at tinalo sila ng mga ito. Naglatag siya ng lambat sa aking mga paa at pinabalik ako. Patuloy niya akong pinabayaan at ginawang mahina.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:9Huwag ninyong kainin itong hilaw o pinakuluan sa tubig. Sa halip, ihawin ninyo ito sa apoy kasama ang ulo, mga binti at ng lamang-loob.
Deuteronomy 32:21Pinagselos nila ako sa pamamagitan diyos na hindi totoo at ginalit ako ng kanilang mga walang halagang diyus-diyosan. Papainggitin ko sila sa pamamagitan ng hindi ko bayan, gagalitin ko sila sa pamamagitan ng isang bansa na walang pang-unawa.
Job 19:6kung gayon dapat alam ninyo na ginawan ako ng mali ng Diyos at nahuli ako sa kaniyang lambat.
Psalms 22:14Ako ay parang natapong tubig, at lahat ng aking mga buto ay nalinsad. Ang aking puso ay tulad ng pagkit; natutunaw ito sa kaloob-loobang bahagi ko.
Psalms 35:4Nawa ang mga naghahangad sa aking buhay ay mapahiya at masira ang puri. Nawa ang mga nagbabalak na saktan ako ay tumalikod at malito.
Psalms 70:2Hayaan mong mapahiya ang mga nagtatangka sa aking buhay at mapahamak; hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang nakuhang magsaya sa aking kalungkutan.