Mga Panaghoy 1:18
Matuwid si Yahweh, sapagkat naghimagsik ako laban sa kaniyang kautusan. Makinig kayo, lahat kayong mga tao, at tingnan ang aking kalungkutan. Napasok sa pagkabihag ang aking mga birhen at mga malalakas na kalalakihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:32Ibibigay sa ibang tao ang inyong mga anak na lalaki at inyong mga anak na babae; buong araw silang hahanapin ng inyong mga mata, pero mabibigo sa pag-aasam sa kanila. Walang magiging kalakasan ang inyong kamay.
Deuteronomy 32:4Ang Batong tanggulan, ang kaniyang ganap na gawa; dahil ang lahat ng kaniyang landas ay husto. Siya ang matapat na Diyos na siyang walang kasamaan. Siya ay makatarungan at matuwid.
1 Samuel 12:14Kung takot kayo kay Yahweh, paglingkuran siya, sundin ang kanyang boses, at huwag maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, pagkatapos kapwa kayo at ang haring namamahala sa inyo ay magiging tagasunod ni Yahweh na inyong Diyos.
1 Kings 9:8At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “ Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito?
Ezra 9:13Subalit matapos ang lahat ng dumating sa amin dahil sa aming mga masasamang gawain at aming matinding kasalanan—yamang ikaw, aming Diyos, pinigilan mo ang nararapat sa aming mga kasalanan at iniwanan kaming mga nakaligtas—
Nehemiah 9:26Pagkatapos, sila ay naging suwail at naghimagsik laban sa iyo. Tinapon nila ang iyong batas sa kanilang likuran. Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila na bumalik sa iyo, at gumawa sila ng matinding mga kalapastanganan.