Lamentations 1:19
Tinawag ko ang aking mga mangingibig ngunit hindi sila tapat sa akin. Namatay ang aking mga pari at mga nakatatanda sa lungsod, habang naghahanap sila ng pagkain upang mailigtas ang kanilang mga buhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 19:13Nilayo niya mula sa akin ang mga kapatid ko, nilayo niya ako mula sa aking mga kakilala.
Jeremiah 14:15Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tungkol sa mga propeta na nagpapahayag sa aking pangalan ngunit hindi ko ipinadala at ang mga nagsasabing walang espada at taggutom sa lupaing ito. Mamamatay ang mga propetang ito sa pamamagitan ng espada at taggutom.
Jeremiah 27:13Bakit kayo mamamatay, kayo at ang inyong mga tao sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot, gaya ng ipinahayag ko tungkol sa bansa na tumanggi na paglingkuran ang hari ng Babilonia?
Jeremiah 37:7“Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Ito ang sasabihin mo sa hari ng Juda, sapagkat ipinadala ka niya upang humingi ng payo mula sa akin, 'Tingnan ninyo, ang hukbo ng Faraon na dumating upang tulungan kayo ay pabalik na sa Egipto sa kanilang sariling lupain.
Lamentations 1:2Tumatangis at humahagulgol siya sa gabi, at tinatakpan ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga pisngi. Wala sa kaniyang mangingibig ang umaaliw sa kaniya. Pinagtaksilan siya ng lahat ng kaniyang mga kaibigan. Naging mga kaaway niya sila.
Lamentations 2:20Tingnan mo, Yahweh, at tingnan mo ng mabuti ang mga pinakitunguhan mo ng napakatindi. Kinakailangan bang kainin ng mga kababaihan ang kanilang sariling bunga, ang mga anak na kanilang inalagaan? Kinakailangan bang patayin ang pari at propeta sa santuwaryo ng Panginoon?