Lamentations 2:9
Lumubog ang kaniyang mga tarangkahan sa lupa; winasak at sinira niya ang mga rehas ng kaniyang mga tarangkahan. Mula sa mga Gentil ang kaniyang hari at mga prinsipe, kung saan walang kautusan ni Moises. Maging ang kaniyang mga propeta ay walang masumpungang pangitain mula kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:36Dadalhin kayo ni Yahweh at ang hari na ilalagay ninyo sa inyong itaas sa isang bansa na hindi ninyo kilala, kahit kayo ni ng inyong mga ninuno; sasambahin ninyo doon ang ibang mga diyus-diyosan na kahoy at bato.
1 Samuel 28:6Nanalangin si Saul kay Yahweh para tulungan siya, ngunit hindi sumagot sa kanya si Yahweh—maging sa panaginip, ni sa pamamagitan ng Urim, ni sa pamamagitan ng mga propeta.
2 Kings 25:7Tungkol sa mga anak na lalaki ni Zedekias, pinatay nila sila sa harap ng kaniyang paningin. Pagkatapos dinukot niya ang kaniyang mga mata, ginapos sa mga tansong tanikala, at dinala siya sa Babilonia.
Nehemiah 1:3Sinabi nila sa akin, “Silang mga nasa lalawigan na nakaligtas sa pagkabihag ay nasa matinding kaguluhan at kahihiyan dahil ang pader ng Jerusalem ay gumuho, at ang mga tarangkahan nito ay sinunog.”
Isaiah 24:12Isang lagim na lungsod ang naiwan, at ang tarangkahan ay basag sa pagkawasak.
Jeremiah 39:2Sa ikalabing isang taon at ika-apat na buwan ni Zedekias, sa ikasiyam na araw ng buwan, nawasak ang lungsod.