The Bible Software
bible.software › Mga Panaghoy › Mga Panaghoy 4 › Mga Panaghoy 4:14

Mga Panaghoy 4:14

Gumagala ngayon ang mga propeta at mga paring iyon sa mga lansangan tulad ng mga bulag na lalaki. Nadungisan sila ng dugong iyon kaya walang sinuman ang maaaring makahawak sa kanilang mga damit.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

They have wandered as blind men in the streets, they have polluted themselves with blood, so that men could not touch their garments.

In Context

13Ngunit nagawa nila, dahil sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga mabibigat na pagkakasala ng kaniyang mga pari na nagdanak ng dugo ng matuwid sa kaniyang kalagitnaan.

15“Magsilayo kayo! Marurumi,” isinisigaw ng mga propeta at mga paring ito. “Magsilayo kayo, magsilayo kayo! Huwag ninyo kaming hawakan!” Kaya nagpagala-gala sila sa ibang mga lupain, ngunit sinasabi maging ng mga Gentil, “Hindi na sila maaaring manirahan dito bilang mga dayuhan.”

Read all of Mga Panaghoy 4

Cross References

Numbers 19:16Katulad nang sinumang nasa labas ng tolda na humipo sa isang taong pinatay gamit ang isang espada, anumang bangkay, buto ng tao, o isang puntod—magiging marumi ang taong iyon sa loob ng pitong araw.

Deuteronomy 28:28Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kalungkutan, ng pagkabulag, at ng pagkalito ng kaisipan.

Isaiah 29:10Dahil ibinuhos sa inyo ni Yahweh ang espiritu ng mahimbing na tulog. Isinara niya ang inyong mga mata, mga propeta, at tinakpan ang inyong mga ulo, mga manghuhula.

Isaiah 59:9Kaya ang katarungan ay malayo mula sa amin, ni ang katuwiran ay nakararating sa amin. Kami ay naghihintay sa liwanag, pero kadiliman ang nakikita, naghahanap kami ng kaningningan, pero naglalakad kami sa kadiliman.

Ezekiel 23:45Ngunit hahatulan sila ng mga lalaking matuwid sa kaparusahan ng pangangalunya at kaparusahan sa mga nagbubo ng dugo, mula noong nagkasala sila ng pangangalunya at nagkaroon ng dugo sa kanilang mga kamay.

Micah 3:6Kaya, ito ay magiging gabi sa inyo na hindi na kayo magkakaroon ng pangitain; ito ay magiging madilim upang hindi kayo makapanghuhula. Lulubog ang araw sa mga propeta at magdidilim ang umaga sa kanila.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Mga Panaghoy 4:14

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Mga Panaghoy 4:13Mga Panaghoy 4Mga Panaghoy 4:15 →