Micah 3:6
Kaya, ito ay magiging gabi sa inyo na hindi na kayo magkakaroon ng pangitain; ito ay magiging madilim upang hindi kayo makapanghuhula. Lulubog ang araw sa mga propeta at magdidilim ang umaga sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 74:9Hindi na kami nakakikita ng anumang mga himala mula sa Diyos; wala ng propeta, at walang sinuman sa atin ang nakakaalam kung gaano ito tatagal.
Isaiah 29:10Dahil ibinuhos sa inyo ni Yahweh ang espiritu ng mahimbing na tulog. Isinara niya ang inyong mga mata, mga propeta, at tinakpan ang inyong mga ulo, mga manghuhula.
Jeremiah 13:16Bigyan ng karangalan si Yahweh na inyong Diyos bago siya magdulot ng kadiliman at bago siya maging dahilan ng pagkatisod ng inyong mga paa sa mga bundok sa takip-silim. Sapagkat naghahangad kayo para sa liwanag ngunit labis niyang padidilimin ang lugar na magiging isang maitim na ulap.
Jeremiah 18:18Kaya sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng masamang balak laban kay Jeremias, sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa mga pari, o payo sa mga taong marurunong, o mga salita sa mga propeta. Halikayo, atin siyang labanan ng ating mga pananalita at huwag nang magbigay pansin sa anumang bagay na kaniyang ipapahayag.”
Ezekiel 13:9Magiging kalaban ng aking kamay ang mga propetang may mga pangitaing kasinungalingan at gumagawa ng mga panghuhulang hindi totoo. Hindi sila mapapabilang sa pagtitipon ng aking mga tao o maitatala sa talaan ng sambahayan ng Israel, hindi sila dapat makapunta sa lupain ng Israel. Sapagkat malalaman ninyo na Ako ang Panginoong Yahweh!
Ezekiel 13:23kaya hindi na kayo magkakaroon pa ng mga pangitang hindi totoo o magpatuloy na gumawa ng mga panghuhulang hindi totoo sapagkat ililigtas ko ang aking mga tao mula sa inyong kamay. At malalaman ninyo na Ako si Yahweh!”'