Leviticus 10:19
Pagkatapos sumagot si Aaron kay Moises, “Tingnan mo, ngayon ginawa nila ang kanilang handog para sa kasalanan at handog na susunugin sa harapan ni Yahweh, at ang bagay na ito ay nangyari sa akin ngayon. Kung kinain ko ang handog para sa kasalanan ngayon, magiging kaaya-aya ba ito sa paningin ni Yahweh?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20Nang marinig iyon ni Moises, siya ay nasiyahan.
Cross References
Leviticus 9:8Kaya lumapit si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili.
Deuteronomy 12:7Kakainin ninyo roon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at magsasaya tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong ginagawa, kayo at ang inyong mga sambahayan, kung saan kayo ay pinagpala ni Yahweh na inyong Diyos.
1 Samuel 1:7Kaya taon-taon, kapag umaakyat siya sa bahay ni Yahweh kasama ang kanyang pamilya, palagi siyang ginagalit ng kanyang karibal. Kaya umiiyak na lang siya at hindi na kumakain.
Isaiah 1:15Kaya sa tuwing itinataas ninyo ang mga kamay ninyo, tinatago ko ang mga mata ko sa inyo; kahit na nag-alay kayo ng maraming panalangin, hindi ako makikinig; puno ng dugo ang mga kamay ninyo.
Jeremiah 14:12Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi ako makikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin ko sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.”
Malachi 1:10“O, kung may isa man sa inyo ang maaaring magsara ng mga tarangkahan ng templo upang hindi kayo makapagsindi ng apoy sa aking altar nang walang kabuluhan! Hindi ako nalulugod sa inyo,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at hindi ko tatanggapin ang anumang handog mula sa inyong kamay.