Deuteronomio 12:7
At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 23:40At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at kayo'y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw.
Deuteronomy 12:18Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.
Deuteronomy 14:26At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;
Deuteronomy 16:11At ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios, ikaw at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa gitna mo, sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan.
Deuteronomy 27:7At ikaw ay maghahain ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at iyong kakanin doon; at ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios;
Psalms 128:1Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.