Leviticus 12:2
“Kausapin ang mga tao ng Israel, sabihin, 'kung nabuntis ang isang babae at nanganak ng isang batang lalaki, sa gayon siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw, halos katulad ng siya'y marumi noong mga araw ng kaniyang buwanang pagdurugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Sa ikawalong araw dapat tuliin ang laman na natatakpan ng balat ng isang sanggol na lalaki.
Cross References
Genesis 1:28Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, “Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo.”
Leviticus 5:3O kung makakahawak siya ng karumihan ng isang tao, kung anumang karumihang iyon, at kung hindi niya alam ito, sa gayon magkakasala siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Leviticus 15:19Kapag dinudugo ang isang babae, magpapatuloy ang kaniyang karumihan ng pitong araw, at sinumang gumalaw sa kaniya ay magiging marumi hanggang gabi.
Job 14:4Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.
Job 25:4Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae?
Luke 2:22Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon.