Leviticus 14:10
Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang lalaking tupa na walang kapintasan, isang babaeng tupa na isang taon na walang kapintasan at tatlong ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:40Kasama ang unang tupa, maghandog ng ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng hin ng langis galing sa pinigang olibo, at ang ikaapat na bahagi ng hin ng alak bilang inuming handog.
Leviticus 1:10Kung mula sa kawan ang kaniyang handog para sa handog na susunugin, isa sa mga tupa o isa sa mga kambing, isang lalaking walang kapintasan ang dapat niyang ihandog.
Leviticus 2:11Walang butil na handog na inyong ihahandog kay Yahweh ang gagawing may pampaalsa, dahil hindi kayo dapat magsunog ng pampaalsa, ni anumang pulot, bilang handog na ginawa kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy.
Leviticus 4:32Kung magdadala ang isang tao ng isang kordero bilang alay niya para sa isang handog sa kasalanan, dadalhin niya ang isang babaeng walang kapintasan.
Leviticus 14:12Kukunin ng pari ang isa sa mga lalaking tupa at iaalay ito bilang isang paghahandog sa pagkakasala, kasama ang lalagyan na may langis; itataas niya ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
Leviticus 14:21Gayunman, kung ang tao ay mahirap at walang kakayahang makakuha ng mga alay na ito, maaari siyang kumuha ng isang lalaking tupa bilang isang alay sa pagkakasala para itataas at iaalay kay Yahweh upang gawing kabayaran sa kanyang sarili, at isang ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis,