Leviticus 14:8
Ang taong nilinis ay lalabhan ang kanyang mga damit, aahitin lahat ng kanyang buhok, at paliliguan ang kanyang sarili sa tubig, at pagkatapos siya ay magiging malinis. Pagkatapos ay kailangan niyang pumasaok sa loob ng kampo, pero siya ay titira sa labas ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:10Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo ang mga tao. Ngayon at bukas kailangan mong ihandog sila sa akin at hugasan nila ang kanilang mga damit.
Leviticus 8:6Dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at hinugasan sila ng tubig.
Leviticus 11:25Dapat labhan ang damit ng sinumang pumulot ng isa sa mga patay na katawan ng mga ito at manatiling marumi hanggang sa gabi.
Leviticus 13:6Susuriin ulit siya ng pari sa ikapitong araw upang makita kung ang karamdaman ay mas bumuti at hindi kumalat ng mas malawak sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon sasabihin ng pari na siya ay malinis. Ito ay isang pantal. Kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, at pagkatapos siya ay malinis na.
Leviticus 14:20Pagkatapos ihahandog ng pari ang handog na susunugin at ang handog na pagkaing butil sa altar. Gagawa ang pari ng pambayad kasalanan para sa tao, at pagkatapos magiging malinis siya.
Numbers 5:2“Utusan mo ang mga tao ng Israel na paalisin mula sa kampo ang lahat ng may nakakahawang sakit sa balat, at lahat ng may tumutulong sugat, at ang sinumang marumi sa pamamagitan ng paghawak ng isang patay na katawan.