Leviticus 16:2
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kausapin mo si Aaron na iyong kapatid at sabihin na huwag siyang pumunta kahit anong oras patungo sa loob ng pinakabanal na lugar sa loob ng kurtina, sa harapan ng takip na luklukan ng awa na nasa kaban. Kapag ginawa niya, mamamatay siya, sapagkat magpapakita ako sa ulap sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:17Dapat kayong gumawa ng takip ng isang luklukan ng awa ng purong ginto. Ang haba nito ay dapat dalawa at kalahating mga kubit, at ang lapad nito ay dapat isang kubit at kalahati.
Exodus 26:33Dapat isabit mo ang kurtina sa mga panghawak, at dapat mong dalhin ang kautusang tipan ng kaban. Ihihiwalay ng kurtina ang banal na lugar sa kabanal-banalang lugar.
Exodus 40:20Kinuha niya ang mga tipan ng kautusan at inilagay ito sa loob ng kaban. Inilagay niya din ang mga baras sa kaban at inilagay ang takip ng luklukan ng awa doon.
Leviticus 8:35Mananatili kayo araw at gabi sa pasukan ng tolda ng pagtitipon sa loob ng pitong araw at susundin ang utos ni Yahweh, para hindi kayo mamatay, dahil ito ang ipinag-utos sa akin.
Leviticus 16:34Ito ay palaging magiging isang tuntunin para sa inyo, para gawing pambayad kasalanan para sa mga tao ng Israel ng dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, isang beses sa bawat taon.” At ginawa ito gaya ng utos ni Yahweh kay Moises.
Numbers 4:19Ipangtanggol ninyo sila sa paggawa nito, upang sila ay mabuhay at hindi mamamatay. Kapag nilapitan nila ang pinakabanal na mga bagay