Leviticus 17:4
kung hindi niya ito dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog bilang isang alay para kay Yahweh sa harap ng kanyang tabernakulo, ang taong iyon ay nagkasala na sa pagdanak ng dugo. Pinadanak niya ang dugo, at dapat ng itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:15Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
Exodus 30:33Ang sinumang gumawa ng pabango gaya nito, o kung sinumang maglagay ng alinman nito sa isang tao, ang taong iyon ay dapat alisin sa kaniyang bayan.”
Leviticus 1:3Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
Leviticus 7:18Kung anuman sa karne ng alay ng tao na handog para sa kapayapaan ay kinain sa ikatlong araw, hindi ito tatanggapin, ni bibigyang pagkilala ang taong naghandog nito. Ito ay magiging isang kasuklam-suklam na bagay, at ang tao na siyang kumain nito ay dadalhin ang pagkakasala ng kaniyang kasalanan.
Leviticus 17:14Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Kaya sinabi ko sa bayan ng Israel, “Hindi ninyo dapat kainin ang dugo ng anumang nilalang, sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Dapat na itiwalag ang sinumang kumain nito.”
Leviticus 20:3Haharap din ako laban sa taong iyon at tatanggalin siya mula sa kanyang mga tao dahil ibinigay niya ang kanyang anak kay Molec, upang dungisan ang aking banal na lugar at lapastanganin ang aking banal na pangalan.