Leviticus 17:8
Dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinumang tao ng Israel, o sinumang dayuhang nakatira sa kanila, na maghahandog ng isang alay na susunugin bilang handog.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 17:4kung hindi niya ito dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog bilang isang alay para kay Yahweh sa harap ng kanyang tabernakulo, ang taong iyon ay nagkasala na sa pagdanak ng dugo. Pinadanak niya ang dugo, at dapat ng itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
Joshua 22:11Narinig ng bayan ng Israel ang tungkol dito at sinabi, “Tingnan mo! Nagtayo ng isang altar ang bayan ng Ruben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa harap ng lupain ng Canaan, sa Gelilot, sa rehiyong malapit sa Jordan, sa tabi na pag-aari ng bayan ng Israel.”
Joshua 22:16“Ang buong kapulungan ni Yahweh ay sinasabi ito, “Ano itong kataksilang nagawa ninyo laban sa Diyos ng Israel, sa pamamagitan ng pagsunod kay Yawheh simula sa araw na ito sa pamamagitan ng pagtatayo para sa inyong sarili ng isang altar sa araw na ito sa paghihimagsik laban kay Yahweh?
1 Samuel 7:9Kumuha si Samuel ng isang pinapasusong kordero at inihandog ito bilang isang buong sinunog na handog kay Yahweh. Pagkatapos patuloy na tumawag si Samuel kay Yahweh para sa Israel, at sinagot siya ni Yahweh.
1 Samuel 16:2Sinabi ni Samuel, “Paano ako pupunta? Kung marinig ito ni Saul, papatayin niya ako.” Sinabi ni Yahweh, “Magdala ka ng dumalagang baka at sabihin, 'Pumarito ako para mag-alay kay Yahweh.'
1 Kings 18:30Pagkatapos sinabi ni Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin,” at ang lahat ng tao ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos kaniyang inayos ang altar ni Yahweh na nasira.