2 Chronicles 33:2
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga tao na pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 20:22Kaya dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga batas at lahat ng aking mga utos; dapat ninyong sundin ang mga ito sa gayon hindi kayo isusuka ng lupain kung saan ko kayo dadalhin para manirahan.
Deuteronomy 12:31Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
Deuteronomy 18:14dahil ang mga bansang ito na inyong sasakupin ay nakikinig sa mga taong gumagawa ng pangkukulam at panghuhula; pero para sa inyo, hindi kayo pinayagan ni Yahweh na inyong Diyos na gawin iyon.
2 Kings 17:15Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
2 Kings 21:9Pero hindi nakinig ang mga tao, at inakay sila ni Manasses na gumawa ng higit pang kasamaan kaysa sa mga bansa na winasak ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
2 Chronicles 36:14Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.