Levitico 18:27
Sapagkat ito ang mga kasamaang ginawa ng mga tao sa lupain, mga dating nanirahan dito bago kayo, at ngayon marungis na ang lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28Kaya mag-ingat kayo para hindi rin isuka kagaya ng mga taong nauna sa inyo..
Cross References
Deuteronomy 20:18Gawin ninyo ito para hindi nila kayo turuang kumilos sa alinmang mga kasuklam-suklam na paraan, na ginawa nila sa kanilang mga diyus-diyusan. Kung gagawin ninyo, magkakasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 25:16Dahil ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na iyon, lahat ng kumikilos nang hindi matuwid, ay isang kasuklam-suklam kay Yahweh na inyong Diyos.
1 Kings 14:24Mayroon ding mga kultong bayarang lalaki at babae sa lupain. Ginawa din nila ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa ng mga bansa, na pinalayas ni Yahweh sa harapan ng bayang Israel.
2 Kings 21:2Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng mga nakapandidiring mga bagay ng mga bansa na pinalayas ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
Ezekiel 16:50Siya ay nagmataas at gumawa ng mga gawaing kasuklam-suklam sa aking harapan, kaya inalis ko sila gaya ng nakita mo.
Hosea 9:10Sinasabi ni Yahweh, “Nang natagpuan ko ang Israel, tulad ito ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos, natagpuan ko ang inyong mga ama. Ngunit nagpunta sila kay Baal Peor, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahiya-hiyang diyus-diyosang iyon. Naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig.