Leviticus 21:5
Hindi dapat mag-ahit ang mga pari ng kanilang mga ulo o ahitin ang mga gilid ng kanilang balbas, o sugatan ang kanilang katawan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 10:6Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
Deuteronomy 14:1Kayo ang mga tao ni Yahweh na inyong Diyos. Huwag ninyong putulan ang inyong mga sarili, ni ahitan ang anumang bahagi ng inyong mukha para sa patay.
Isaiah 22:12Ang Panginoon, si Yahweh ng mga hukbo sa ay tumawag sa panahong iyon para sa pagtatangis, pananaghoy, pag-aahit ng buhok sa ulo, at pagsusuot ng sako.
Jeremiah 48:37Sapagkat ang bawat ulo ay kinalbo na, lahat ng balbas ay inahit na. May mga hiwa sa bawat kamay at ang telang magaspang ay nasa kanilang mga baywang.
Amos 8:10Gagawin kong pagdadalamhati ang inyong mga pista at ang lahat ng inyong mga awit ay sa panaghoy. Pagsusuutin ko kayong lahat ng telang magaspang at ang bawat ulo ay kakalbuhin. Gagawin kong pagdadalamhati tulad sa nag-iisang anak, at isang araw ng kapaitan sa bawat pagtatapos.