Leviticus 22:11
Ngunit kung bumili ang isang pari ng alipin sa kaniyang sariling pera, maaaring kumain ang aliping iyan mula sa mga bagay na inihiwalay para kay Yahweh. At ang mga miyembro sa pamilya ng pari at mga aliping ipinanganak sa kaniyang bahay, maaari din silang kumain kasama niya mula sa mga bagay na iyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:13Siya na ipinanganak sa iyong sambahayan, at nabili ng iyong salapi ay dapat matuli. Sa gayon ang aking tipan ay mapapasaiyong laman para sa walang hanggang tipan.
Leviticus 21:22Maaari niyang kainin ang pagkain ng kanyang Diyos, maging ang ilan sa mga kabanalbanalan o ilan sa banal.
Numbers 18:11Ito ang mga handog na mapapabilang sa iyo: kanilang mga regalo na itinabi mula sa lahat ng itinaas na mga handog ng mga tao ng Israel, mga handog na tinaas nang mataas sa harap ko at dinala sa akin. Ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, at sa iyong mga anak na babae, bilang iyong patuloy na bahagi. Bawat isang malinis sa pamamagitan ng ritwal sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng kahit ano mula sa mga handog na ito.