Numbers 18:11
Ito ang mga handog na mapapabilang sa iyo: kanilang mga regalo na itinabi mula sa lahat ng itinaas na mga handog ng mga tao ng Israel, mga handog na tinaas nang mataas sa harap ko at dinala sa akin. Ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, at sa iyong mga anak na babae, bilang iyong patuloy na bahagi. Bawat isang malinis sa pamamagitan ng ritwal sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng kahit ano mula sa mga handog na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:27Dapat mong ihandog sa akin ang dibdib ng paghahandog na itinaas na matayog at ang hita ng paghahandog na ipinapakita— dibdib na itinaas at ang hita na ipinakita, kapwa nanggaling sa lalaking tupa para sa pagpapatunay kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki sa akin.
Leviticus 7:30Ang handog para kay Yahweh na susunugin sa apoy, dapat ang kaniyang sariling mga kamay ang magdala nito. Dapat niya dalhin ang taba kasama ang dibdib, para ang dibdib ay maging isang handog na maitaas sa harapan ni Yahweh at idulog sa kaniya.
Leviticus 22:1Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
Leviticus 22:11Ngunit kung bumili ang isang pari ng alipin sa kaniyang sariling pera, maaaring kumain ang aliping iyan mula sa mga bagay na inihiwalay para kay Yahweh. At ang mga miyembro sa pamilya ng pari at mga aliping ipinanganak sa kaniyang bahay, maaari din silang kumain kasama niya mula sa mga bagay na iyon.
Deuteronomy 18:3Ito ang magiging bahagi ng mga nakatakdang pari mula sa mga tao, mula sa kanila na naghahandog ng isang alay, maging ito ay mga baka o tupa: dapat nilang ibigay sa pari ang balikat, ang dalawang pisngi, at ang mga lamanloob.