Levitico 23:19
Maghahandog kayo ng isang lalaking kambing para sa isang handog para sa kasalanan, at dalawang tupang lalaki na isang taong gulang para isang alay, bilang mga handog ng pagtitipon-tipon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 3:1Kung mag-alay ang isang tao ng isang handog para sa pagtitipon-tipon ng isang hayop mula sa grupo ng mga hayop, maging lalaki o babae, dapat siyang mag-alay ng isang hayop na walang kapintasan sa harapan ni Yahweh.
Leviticus 4:23pagkatapos kung ipinaalam sa kaniya ang kasalanang kaniyang ginawa, dapat siyang magdala para sa kaniyang alay ng isang kambing, isang lalaking walang kapintasan.
Leviticus 16:15Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
Numbers 28:30at isang lalaking kambing upang maging pambayad kasalanan para sa inyong mga sarili.
2 Corinthians 5:21Si Jesus ay ginawa niyang handog para sa ating mga kasalanan. Siya na hindi kailan man nagkaroon ng kasalanan. Ginawa niya ito upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.