Leviticus 3:1
Kung mag-alay ang isang tao ng isang handog para sa pagtitipon-tipon ng isang hayop mula sa grupo ng mga hayop, maging lalaki o babae, dapat siyang mag-alay ng isang hayop na walang kapintasan sa harapan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 24:5Nagpadala siya ng ilang mga binatang Israelita para mag-alay ng mga sinunog na handog at mag-alay ng sama-samang handog na mga baka para kay Yahweh.
Leviticus 1:3Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
Leviticus 7:11Ito ang batas ng alay na handog para sa kapayapaan na ihahandog ng mga tao kay Yahweh.
Leviticus 17:5Ang layunin ng kautusang ito ay upang dalhin ng mga mamamayan ng Israel ang kanilang mga alay para kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, upang ialay ng pari bilang handog ng pagtitipon-tipon para kay Yahweh, sa halip na mag handog ng mga alay sa isang lantad na bukid.
Leviticus 22:21Sinumang maghandog ng alay para sa pagtitipon-tipon ng handog mula sa maraming tao o sa kawan ni Yahweh para tuparin ang isang panata, o bilang isang kusang handog, dapat wala itong kapintasan para tanggapin. Dapat walang depekto ang hayop.
Numbers 7:17Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Naason na anak ni Amminadab.