Leviticus 25:35
Kung naging mahirap ang kapwa kababayan ninyo, kung kaya hindi na niya kayang itaguyod ang kanyang sarili, sa gayon dapat ninyo siyang tulungan tulad ng tutulungan ang isang dayuhan o sino pa mang naninirahan bilang tagalabas na kasama ninyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:9Huwag mo dapat apihin ang dayuhan, dahil alam mo ang buhay ng isang dayuhan, dahil naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto.
Leviticus 25:25Kung naging mahirap ang kapwa ninyo Israelita at dahil doon ipinagbili ang ilan sa kanyang ari-arian, sa gayon maaaring bilhin muli ng pinakamalapit niyang kamag-anak ang ari-ariang ipinagbili niya sa inyo.
Deuteronomy 15:7Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid;
Deuteronomy 24:14Hindi dapat ninyo pahirapan ang isang inuupahang lingkod na mahirap at nangangailangan, maging siya ay kapwa mong mga Israelita, o mga dayuhan na nasa inyong lupain sa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod;
Job 31:16Kung ipinagkait ko ang mga ninanais ng mga mahihirap, o kung idinulot ko na lumabo ang mga mata ng mga biyuda dahil sa pag-iyak,
Psalms 41:1Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya.