Leviticus 26:39
'Yung mga natitira sa inyo, mabubulok sa kanilang mga kasalanan doon sa mga lupain ng inyong mga kaaway, at dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama, mabubulok din sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:7pinananatili ang katapatan ng tipan para sa libu-libong mga salinlahi, nagpapatawad sa mga kasamaan, mga pagsuway at mga pagkakasala. Pero gagawin niyang walang kasalanan ang nagkasala. Magdadala siya ng parusa sa kasalanan ng ama sa kanilang mga anak at anak ng kanilang mga anak, hanggang sa pangatlo at pang-apat na salinlahi.”
Deuteronomy 5:9Huwag kayong yuyukod sa kanila o paglingkuran sila, sapagkat ako, si Yahweh, na inyong Diyos, ako ang isang Diyos na mapanibughuin. Parurusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagdadala ng kaparusahan sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga yaong napupuot sa akin,
Deuteronomy 28:65Sa mga bansang ito hindi kayo makakahanap ng kaluwagan, at walang magiging kapahingahan para sa mga talampakan ng inyong mga paa; sa halip, bibigyan kayo ni Yahweh doon ng takot sa puso, lumalabong mga mata, at isang kaluluwang nagluluksa.
2 Chronicles 34:24“Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, ang lahat ng mga sumpang naisulat sa aklat na kanilang nabasa sa harapan ng hari ng Juda.
Nehemiah 1:9pero kung kayo ay magbabalik sa akin at susunod sa aking mga kautusan at gagawin ang mga ito, kahit na ang iyong bayan ay nagkalat sa ilalim ng pinakamalayong kalangitan, titipunin ko sila mula doon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili para mapanatili ang aking pangalan.'
Jeremiah 3:25Humiga tayo sa kahihiyan. Takpan nawa tayo ng ating kahihiyan, sapagkat nagkasala tayo kay Yahweh na ating Diyos! Tayo mismo at ang ating mga ninuno, mula sa panahon ng ating kabataan hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakinig sa tinig ni Yahweh na ating Diyos.