Leviticus 26:7
Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at babagsak sila sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And ye shall chase your enemies, and they shall fall before you by the sword.
In Context
Cross References
Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
Joshua 23:10Sinumang nag-iisang lalaki sa inyong bilang ay gagawang patakasin ang isang libo, para kay Yahweh na inyong Diyos, ang tanging lumalaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
Judges 7:23Nagtipon ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Neftali, Asher at buong Manases at hinabol nila ang Midian.
1 Samuel 14:13Umakyat si Jonatan gamit ang kanyang mga kamay at paa, at sumunod sa kanyang likuran ang kanyang tagapagdala ng baluti. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo sa harapan, at pinatay ng kanyang tagapagdala ng baluti sa kanyang likuran.
Esther 9:16Ang natirang mga Judio na nasa mga lalawigan ng hari ay nagsama-sama upang ipagtanggol ang kanilang mga buhay, at nagkaroon sila ng kaginhawaan mula sa kanilang mga kaaway at pumatay ng pitumpu't-limang libo sa mga namumuhi sa kanila, ngunit hindi nila ginalaw ang mga mahahalagang bagay ng mga pinatay nila.