Leviticus 26:8
Hahabulin ng lima sa inyo ang isang daan at hahabulin ng isang daan sa inyo ang sampung libo; babagsak ang inyong mga kaaway sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
7Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at babagsak sila sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
Cross References
Numbers 14:9Ngunit huwag kayong maghimagsik laban kay Yahweh at huwag kayong matakot sa mga tao ng lupain. Uubusin natin sila na kasindali ng pagkain. Maaalis mula sa kanila ang kanilang pananggalang, dahil kasama natin si Yahweh. Huwag ninyo silang katakutan.”
Deuteronomy 28:7Dudulutin ni Yahweh sa ang inyong mga kaaway na kumakalaban sa inyo na mapabagsak sa inyong harapan; lalabas sila laban sa inyo sa isang daanan, pero tatakasan kayo sa pitong mga daanan.
Joshua 23:10Sinumang nag-iisang lalaki sa inyong bilang ay gagawang patakasin ang isang libo, para kay Yahweh na inyong Diyos, ang tanging lumalaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
Judges 15:15Nakakita si Samsom ng isang sariwang panga ng isang asno, pinulot niya ito at pinatay ang isang libong kalalakihan sa pamamagitan nito.
1 Samuel 14:13Umakyat si Jonatan gamit ang kanyang mga kamay at paa, at sumunod sa kanyang likuran ang kanyang tagapagdala ng baluti. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo sa harapan, at pinatay ng kanyang tagapagdala ng baluti sa kanyang likuran.
1 Chronicles 11:11Ito ang listahan ng mga piling kawal ni David: Si Jasobeam, na anak ng isang Hacmonita, ay pinuno ng tatlumpu. Pinatay niya ang tatlongdaang kalalakihan sa pamamagitan ng kaniyang sibat sa isang pagkakataon.