Leviticus 26:9
Titingnan ko kayo ng may pagkampi at gagawin ko kayong mabunga at pararamihin kayo; Itatatag ko ang aking tipan sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:6Pamumungahin kita nang lubos, at magmumula sa iyo ang maraming bansa, at ang mga magiging hari ay magmumula rin sayo.
Genesis 26:4Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat na mga lupaing ito. Sa pamamagitan ng iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain.
Genesis 28:14Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain.
Exodus 2:25Nakita ng Diyos ang mga Israelita, at naunawaan niya ang kanilang kalagayan.
Deuteronomy 28:4Pagpapalain ang bunga ng inyong katawan, at ang bunga ng inyong lupa, at ang bunga ng inyong mga hayop, ang pagdami ng inyong mga baka, at ang mga guya ng inyong kawan.
1 Kings 3:8Ang iyong lingkod ay nasa kalagitnaan ng mga taong pinili mo, dakilang bayan, masyadong marami para itala o bilangin.