Leviticus 27:8
Pero kung ang taong gumawa ng panata ay hindi makabayad ng pamantayang halaga, kung gayon dapat iharap sa pari ang taong ibinigay, at bibigyang halaga ng pari ang taong iyon sa pamamagitan ng halagang makakaya ng isang gumagawa ng panata.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:7Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, kung gayon maaari niyang dalhin kay Yahweh bilang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, isa para sa handog para sa kasalanan at ang isa para sa isang handog na susunugin.
Leviticus 12:8Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'”
2 Kings 7:5Kaya tumayo sila nang mag-gagabi na para pumunta sa kampo ng mga Aramean; nang dumating sila sa pinakalabas na bahagi ng kampo, walang naroon.
Mark 14:7Nasa inyo lagi ang mga mahihirap, at kung gugustuhin ninyo, matutulungan ninyo sila, ngunit hindi ninyo ako laging kasama.
2 Corinthians 8:12Sapagkat kung kayo ay may pagsisikap na gawin ang gawaing ito, ito ay mabuti at katanggap-tanggap. Nakabatay ito sa kung ano ang mayroon ang isang tao, hindi sa kung ano ang wala sa kaniya.