Leviticus 5:7
Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, kung gayon maaari niyang dalhin kay Yahweh bilang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, isa para sa handog para sa kasalanan at ang isa para sa isang handog na susunugin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:8Dapat niyang dalhin ang mga ito sa pari, na ihahandog ang isa para sa isang handog para sa kasalanan—pipilipitin niya ang ulo nito mula sa leeg pero hindi niya tuluyang tatanggalin ito mula sa katawan.
Leviticus 9:3Dapat makipag-usap ka sa bayan ng Israel at sabihin, 'Kumuha kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang guya at isang tupa, parehong isang taong gulang at walang kapansanan, para sa isang handog na susunugin;
Leviticus 14:21Gayunman, kung ang tao ay mahirap at walang kakayahang makakuha ng mga alay na ito, maaari siyang kumuha ng isang lalaking tupa bilang isang alay sa pagkakasala para itataas at iaalay kay Yahweh upang gawing kabayaran sa kanyang sarili, at isang ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis,
Leviticus 14:31isa bilang isang handog para sa kasalanan at ang isa ay bilang isang handog na pambayad ng kasalanan, kasama ng handog na pagkaing butil. Pagkatapos gagawa ng pambayad kasalanan ang pari para sa isang lilinisin sa harap ni Yahweh.
Leviticus 15:15Dapat ihandog ng pari ang mga ito, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at ang pari ang dapat gumawa ng pambayad ng kasalanan sa harap ni Yahweh para sa kanyang tulo.
Leviticus 16:5Dapat siyang kumuha mula sa kapulungan ng mga tao ng Israel ng dalawang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.