Leviticus 3:2
Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang handog at papatayin ito sa pintuan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak ni Aaron na lalaki na mga pari ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:15Dapat mo ring kunin ang isang lalaking tupa, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
Leviticus 1:4Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin, at pagkatapos tatanggapin ito sa ngalan niya para gawing kabayaran ng kasalanan para sa kanyang sarili.
Leviticus 1:11Dapat niya patayin ito sa hilagang dako ng altar sa harapan ni Yahweh. Isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
Leviticus 16:21Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
Leviticus 17:4kung hindi niya ito dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog bilang isang alay para kay Yahweh sa harap ng kanyang tabernakulo, ang taong iyon ay nagkasala na sa pagdanak ng dugo. Pinadanak niya ang dugo, at dapat ng itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
Isaiah 53:6Tayong lahat ay gaya ng mga tupang ligaw; ang bawat isa ay nagkanya-kanyang daan, at ipinataw sa kanya ni Yahweh ang kasamaan nating lahat.