Leviticus 4:3
Kung ang punong pari ang siyang nagkasala para magdala ng kasalanan sa mga tao, sa gayon hayaan siyang maghandog para sa kasalanang ginawa niya ng isang batang toro na walang kapintasan kay Yahweh bilang isang handog para sa kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:14Pero ang laman ng mga toro, at ang balat at dumi, sunugin mo ito sa labas ng kampo. Ito ay handog para sa kasalanan.
Exodus 30:10Dapat si Aaron ay gumawa ng luklukan ng awa sa mga sungay ng altar ng insenso minsan sa isang taon. Dapat niyang gawin ito gamit ang dugo ng handog para sa pagbayad ng kasalanan. Ang punong pari ang siyang dapat na gumawa nito sa buong salinlahi ng inyong lahi. Ang pag-aalay na ito ay ganap na ilaan sa akin, si Yahweh.”
Leviticus 1:10Kung mula sa kawan ang kaniyang handog para sa handog na susunugin, isa sa mga tupa o isa sa mga kambing, isang lalaking walang kapintasan ang dapat niyang ihandog.
Leviticus 5:6Pagkatapos dapat niyang dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan para sa kasalanang nagawa niya, isang babaeng hayop mula sa kawan, alinman sa isang tupa o isang kambing, para sa isang handog para sa kasalanan, at gagawa ang pari para sa ikapapatawad niya ukol sa kaniyang kasalanan.
Leviticus 8:12Binuhusan niya ng kaunting pampahid na langis ang ulo ni Aaron at pinahiran siya para ihandog siya kay Yahweh.
Leviticus 9:3Dapat makipag-usap ka sa bayan ng Israel at sabihin, 'Kumuha kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang guya at isang tupa, parehong isang taong gulang at walang kapansanan, para sa isang handog na susunugin;