Leviticus 4:26
Susunugin niya ang lahat ng taba sa altar, gaya ng taba ng alay ng mga handog para sa kapayapaan. Gagawa ang pari para sa ikapagpapatawad ng namumuno patungkol sa kaniyang kasalanan, at papatawarin ang namumuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:8Aalisin niya ang lahat ng taba sa torong panghandog para sa kasalanan; ang tabang bumabalot sa mga lamang loob, lahat ng tabang nakadikit sa mga panloob na bahagi,
Leviticus 4:31Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.
Leviticus 5:10Pagkatapos dapat niyang ihandog ang pangalawang ibon bilang isang handog na susunugin, gaya ng inilarawan sa mga tagubilin, at gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniya para sa nagawa niyang kasalanan, at patatawarin ang tao.
Leviticus 5:16Dapat niya bigyan ng kasiyahan si Yahweh para sa kaniyang nagawang mali kaugnay sa kung ano ang banal, at dapat niya itong dagdagan ng ikalima at ibigay ito sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng kabayaran sa kasalanan para sa kanya kasama ang lalaking tupa na handog na pambayad kasalanan, at patatawarin ang taong iyon.
Leviticus 6:7Para sa kaniya ay gagawa ang pari ng isang pambayad para sa kasalanan sa harap ni Yahweh, at patatawarin siya ukol sa anumang kasalanang ginawa niya.”
Leviticus 14:18At sa natitirang langis na nasa kamay ng pari, ilalagay niya ito sa ulo ng tao na lilinisin, at gagawa ang pari ng pambayad kasalanan sa kanya sa harap ni Yahweh.