Leviticus 4:30
Kukuha ang pari ng kaunting dugo gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin. Ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo sa paanan ng altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:7At ilalagay ng pari ang kaunting dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso sa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo ng toro sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 4:34Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa handog para sa kasalanan gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar bilang mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo nito sa paanan ng altar.
Leviticus 8:15Pinatay niya ito, at kinuha niya ang dugo at inilagay niya ito sa mga sungay ng altar gamit ang kaniyang daliri, nilinisan ang altar, binuhusan ng dugo ang patungan ng altar, at ibinukod ito para sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan para dito.
Isaiah 42:21Nagpapalugod kay Yahweh ang mapapurihan ang kaniyang katarungan at maluwalhati ang kaniyang mga kautusan.
Romans 10:4Sapagkat si Cristo ang katuparan ng kautusan para sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.