Leviticus 5:1
Kung magkasala ang sinuman dahil tumanggi siyang magpatotoo nang nakasaksi siya tungkol sa isang bagay na kung saan kinakailangan niyang magpatotoo, kahit na nakita niya ito o narinig ang tungkol dito, mayroon siyang pananagutan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:11isang panunumpa kay Yahweh ang dapat nilang gawin, kung walang isang tao na naglagay sa kaniyang kamay sa pagmamay-ari ng kaniyang kapitbahay. Kailangang tanggapin ng may-ari ito at ang isa ay hindi na kailangang gumawa ng pagbabayad-pinsala.
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Leviticus 7:18Kung anuman sa karne ng alay ng tao na handog para sa kapayapaan ay kinain sa ikatlong araw, hindi ito tatanggapin, ni bibigyang pagkilala ang taong naghandog nito. Ito ay magiging isang kasuklam-suklam na bagay, at ang tao na siyang kumain nito ay dadalhin ang pagkakasala ng kaniyang kasalanan.
Leviticus 19:8ngunit kung sinuman ang kumain nito ay dapat managot sa kanyang kasalanan sapagkat dinungisan niya ang inihandog kay Yahweh. Dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
Numbers 9:13Ngunit sinumang taong malinis at wala sa isang paglalakbay, ngunit nabigong ipagdiwang ang Paskua, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao dahil hindi siya nag-alay ng handog na inatas ni Yahweh sa nakatakdang panahon ng bawat taon. Dapat dalhin ng taong iyon ang kaniyang kasalanan.
1 Kings 8:31Kung may taong nagkasala sa kaniyang kapit-bahay at kailangang manumpa, at kung siya ay dumating at sumumpa sa harap ng iyong dambana sa tahanang ito,