Numbers 9:13
Ngunit sinumang taong malinis at wala sa isang paglalakbay, ngunit nabigong ipagdiwang ang Paskua, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao dahil hindi siya nag-alay ng handog na inatas ni Yahweh sa nakatakdang panahon ng bawat taon. Dapat dalhin ng taong iyon ang kaniyang kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:15Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
Exodus 30:38Ang sinumang gumawa ng anumang gaya nito para gamitin bilang pabango ay dapat alisin mula sa kaniyang bayan.”
Leviticus 17:10At sinuman sa Israel, o sinumang dayuhang naninirahan sa kanila, na kumain ng kahit anong dugo, itatalikod ko ang aking mukha laban sa mga taong iyon, sa sinumang kumain ng dugo; ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan.
Leviticus 20:20Kung sipingan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang tiyuhin, ipinahiya niya ang kanyang tiyuhin. Dapat nilang dalhin ang sarili nilang kasalanan at mamatay ng walang anak.
Leviticus 24:15Dapat mong ipaliwanag sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Sinumang lumait sa kaniyang Diyos ay dapat dalhin ang kaniyang pagkakasala.
Numbers 9:2“Hayaan mong panatilihin ng mga tao ng Israel ang Paskua sa nakatakdang panahon nito sa bawat taon.