Leviticus 9:3
Dapat makipag-usap ka sa bayan ng Israel at sabihin, 'Kumuha kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang guya at isang tupa, parehong isang taong gulang at walang kapansanan, para sa isang handog na susunugin;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:3Kung ang punong pari ang siyang nagkasala para magdala ng kasalanan sa mga tao, sa gayon hayaan siyang maghandog para sa kasalanang ginawa niya ng isang batang toro na walang kapintasan kay Yahweh bilang isang handog para sa kasalanan.
Leviticus 12:6Kapag natapos ang mga araw ng kanyang paglilinis, para sa isang anak na lalaki o isang anak na babae, dapat siyang magdala ng isang taong gulang na tupa bilang isang handog na susunugin at isang batang batu-bato o kalapati bilang isang handog para sa kasalanan, sa pasukan ng tolda ng pagtitipon, para sa pari.
Leviticus 16:5Dapat siyang kumuha mula sa kapulungan ng mga tao ng Israel ng dalawang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
Leviticus 23:12Kapag sa araw na itinaas ninyo ang tali at idinulog ito sa akin, dapat ninyong ihandog ang isang taong gulang na lalaking tupa at walang dungis bilang isang handog na susunugin para kay Yahweh.
Ezra 10:19Kaya nagpasya sila na palayasin ang kanilang mga asawa. Sapagkat sila ay nagkasala, sila ay naghandog ng tupang lalaki mula sa kawan para sa kanilang kasalanan.
Romans 8:3Sapagkat kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil mahina ito sa pamamagitan ng laman ay ginawa ng Diyos. Isinugo niya ang kaniyang sariling Anak na kawangis ng makasalanang laman para maging isang handog sa kasalanan, at hinatulan niya ang kasalanan sa laman.