Leviticus 5:9
Pagkatapos isasaboy niya sa gilid ng altar ang kaunting dugo ng handog pambayad para sa kasalanan, at ibubuhos niya ang natitirang dugo sa pundasyon ng altar. Ito ay isang handog para sa kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 1:5Pagkatapos dapat niyang patayin ang toro sa harapan ni Yahweh. Ang mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga pari, ihahandog ang dugo at isasaboy ito sa altar na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 4:7At ilalagay ng pari ang kaunting dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso sa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo ng toro sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 4:25Kukunin ng pari ang dugo ng handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang dugo nito sa paanan ng altar ng handog na susunugin.
Leviticus 4:34Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa handog para sa kasalanan gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar bilang mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo nito sa paanan ng altar.
Isaiah 42:21Nagpapalugod kay Yahweh ang mapapurihan ang kaniyang katarungan at maluwalhati ang kaniyang mga kautusan.
Hebrews 12:24Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.