Leviticus 6:19
Kaya muling nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the LORD spake unto Moses, saying,
In Context
Cross References
Leviticus 6:9“Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar.
Numbers 18:9Ang mga bagay na ito mula sa mga ganap na inialay na handog kay Yahweh, subalit ang hindi ganap na nasunog ay magiging sa iyo. Bawat alay na dinadala ng mga tao, kalakip ng bawat handog na butil, bawat handog para sa kasalanan, at bawat handog na pambayad para sa kasalanan—lahat nitong mga napakabanal na handog—na inilaan nila para sa akin at dinala sa akin ay magiging para sa iyo at para sa iyong mga anak na lalaki.
Ezekiel 42:13Pagkatapos, sinabi sa akin ng lalaki, “Ang timog at hilagang mga silid na nasa harap ng panlabas na patyo ay mga banal na silid kung saan maaaring kainin ng mga paring nagtatrabaho na pinakamalapit kay Yahweh ang pinakabanal na pagkain. Ilalagay nila doon ang mga pinakabanal na bagay, ang handog na pagkain, ang handog para sa kasalanan at ang alay para sa pagkakasala, sapagkat ito ay banal na lugar.