Numbers 18:9
Ang mga bagay na ito mula sa mga ganap na inialay na handog kay Yahweh, subalit ang hindi ganap na nasunog ay magiging sa iyo. Bawat alay na dinadala ng mga tao, kalakip ng bawat handog na butil, bawat handog para sa kasalanan, at bawat handog na pambayad para sa kasalanan—lahat nitong mga napakabanal na handog—na inilaan nila para sa akin at dinala sa akin ay magiging para sa iyo at para sa iyong mga anak na lalaki.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 2:3Mabibilang kina Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natirang butil na handog. Ganap na inilaan ito kay Yahweh mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy.
Leviticus 4:22Kapag nagkasala ang isang namumuno nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anuman sa lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh na kanyang Diyos na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
Leviticus 5:1Kung magkasala ang sinuman dahil tumanggi siyang magpatotoo nang nakasaksi siya tungkol sa isang bagay na kung saan kinakailangan niyang magpatotoo, kahit na nakita niya ito o narinig ang tungkol dito, mayroon siyang pananagutan.
Leviticus 6:19Kaya muling nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
Leviticus 7:1Ito ang batas ng handog na pambayad para sa kasalanan. Pinakabanal ito.
Leviticus 10:12Nakipag-usap si Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar, na kaniyang natitirang mga anak na lalaki, “Kunin ang mga handog na pagkaing butil na natira mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, at kainin ito nang walang pampaalsa sa tabi ng altar, dahil ito ang pinakabanal.