Leviticus 6:2
“Kung sinuman ang nagkasala at lumabag sa isang utos laban kay Yahweh, tulad ng sinungaling na pakikitungo sa kaniyang kapwa hinggil sa isang bagay na ipinagkatiwala sa kaniya, o kung nililinlang o ninanakawan niya, o pinahihirapan ang kaniyang kapwa,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
Cross References
Genesis 26:7Nang tanungin siya ng mga kalalakihan sa lugar tungkol sa kanyang asawa, sinabi nya, “Siya ay aking kapatid na babae.” Natakot siyang sabihin, “Siya ay aking asawa,” dahil naisip niya, “Ang mga lalaki sa lugar na ito ay papatayin ako para makuha si Rebeca dahil napakaganda niya.”
Leviticus 1:3Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
Leviticus 5:19Isang handog ito na pambayad sa kasalanan, at tiyak na nagkasala siya sa harap ni Yahweh.”
Numbers 5:6“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Kapag nakagawa ang isang lalaki o babae ng anumang kasalanang tulad ng ginagawa ng mga tao sa isa't isa, at hindi tapat sa akin, ang taong iyon ay nagkasala.
Proverbs 24:28Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
Isaiah 21:2Isang nakakabagabag na pangitain ang ipinakita sa akin: nagtataksil ang taksil, at nagwawasak ang taga-wasak. Umakyat kayo at lumusob, Elam; lupigin ninyo, Media; ihihinto ko ang lahat ng kaniyang paghihinagpis.